![]() |
Ako kasama si Kevin Martinez |
![]() |
Section 4C |
Ang aking ina ay dati ring nagtatrabaho sa mga supermall sa Manila bilang saleslady. At doon sila nagkakilala ng aking ama. Ang nanay ko ngayon ang namamahala si sari sari store.Noong ako'y tatlong taong gulang ay nagsimula na akong mag-aral sa paaralan ng daycare sa P.Alcantara at ang aking naging guro ay si Mrs. Sandra Bondad. Pangwalo ako sa klase noong ako'y nagtapos.
![]() |
Ako kasama ang mga kaklase ko |
noong akoy nasa elmentarya.
![]() |
Ako kasama ang mga kaibigan ko |
Nag high school ako sa Col Lauro D. Dizon Memorial National High School.Sa pagtuntong ko sa sekondarya may halong kaba at saya.kaba dahil sa bago palang ako,saya sapagkat marami akong mga bagong kaibigan na makikilala.
Sa aking pageenroll palang sa paaralan ng Col. lauro D. Dizon high, marami na ako agad na nakilala na mga siguro ay magiging kaibigan ko at di nga ako nagkamali. at marami din akong mga dating kaklase ang nakita ko at naging kaeswela ko pa ngayon.
Section 1-A marami kaming paligsahan na napalalunan isa na dto ang paglaban namin ng nutri jingle, nagchampion kami. at ang di ko malilimutan ang paglaban namin sa ibong adarna na nagkamit kami nang unang pwesto sa patimapalak,bukod doon nag karoon din akong ng pangsariling parangal,nakamit ko ang unang pwesto sa bilang pinakamagaling na gumanap na don juan sa patimpalak. at noong ako`y nasa ikalawang antas ng sekondarya. Nagchampion ulit kami sa pangalawang beses na pagsali sa nutri jingle.Dahil na rin sa puspusang paghahanda sa patimpalak.
Dahil sa computer games, bumaba ang seksyon ko at naging 3-B ako noong 3rd Year. Dahil na rin sa kapabayaan ko sa pag-aaral at habang tumatagal na ako'y naglalaro ng mga computer games, natuto akong lumiban sa klase para makapaglaro lang.Usong uso noon ang DOTA at SF. Doon ko nalaman na ang pagsisisi ay laging nasa huli. Kung pinagbuti ko lang ang aking pag-aaral at sinipag sipag ako sa paggagawa ng proyekto siguro sekyon A parin ako.at nasabi ko sa sarili ko na pipilitin kong magbago dahil kung hindi ako magbabago sigurado ang aking kinabukasan ang masisira at hindi ko maaabot ang aking mga pangarap sa buhay at sa pamilya.
![]() |
Ako kasama ang mga kaibigan ko |
No comments:
Post a Comment