Thursday, March 24, 2011

Talambuhay ni John Axl Tisado Cristobal

Ako kasama si Kevin Martinez
Section 4C
Ako si Cristobal, John Axl Tisado. Ipinanganak noong ika-3 ng Mayo taong 1995 sa San Juan, Manila. At ang aking mga pinakamamahal na mga magulang ay sina Evangeline Tisado Cristobal at Aris Virson Cristobal. Nagkaroon sila ng tatlong mabubuting supling at isa na ako doon, at sumunod sa akin ay ang kaptid kong lalaki na si Arvhan Tisado Cristobal at ang aming pinakamamahal na bunso na si Maria Arisa Tisado Cristobal.Ang aking ama ay dating nagtatrabaho sa Cash and Carry sa Makati at Alabang Supermarket. At nang makapipon, nagtayo ng isang maliit na negosyo na sari sari store.

Ang aking ina ay dati ring nagtatrabaho sa mga supermall sa Manila bilang saleslady. At doon sila nagkakilala ng aking ama. Ang nanay ko ngayon ang namamahala si sari sari store.Noong ako'y tatlong taong gulang ay nagsimula na akong mag-aral sa paaralan ng daycare sa P.Alcantara at ang aking naging guro ay si Mrs. Sandra Bondad. Pangwalo ako sa klase noong ako'y nagtapos.

Ako kasama ang mga kaklase ko
Noong ako'y naging elementary, pumasok ako sa Paaralan ng San Pablo Central. Noong ako'y nasa ika-unang baitang, naging guro ko si Gng. Brion at noong ako'y nasa ikalawang baitang naman naging guro ko si Gng. Glindro. Naging guro ko noong ikatlong baitang si Mrs. Azucena, si Gng. Hernandez noong ikaapat na baitang, si Ginoong Dones noong ikalimang baitang at si Ginoong Quilla noong ikaanim na baitang.Sa aking pagtatapos sa elementarya may halong lungkot at saya. Saya dahil maraming magagandang pangyayari sa aking buhay ang nadama ko noong akoy nasa elementarya, lungkot sapagkat magkakahiwalay-hiwalay kaming makakaibigan.Masasabi ko na maraming magagandang ala-ala ang maiiwan sa aking isipan
noong akoy nasa elmentarya.
Ako kasama ang mga kaibigan ko
Masaya ako noong ako'y nagtapos ng pag-aral sa elementarya. Kahit na maghihiwalay na kami, alam kong magkikita pa kami.

 Nag high school ako sa  Col Lauro D. Dizon Memorial National High School.Sa pagtuntong ko sa sekondarya may halong kaba at saya.kaba dahil sa bago palang ako,saya sapagkat marami akong mga bagong kaibigan na makikilala.

Sa aking pageenroll palang sa paaralan ng Col. lauro D. Dizon high, marami na ako agad na nakilala na mga siguro ay magiging kaibigan ko at di nga ako nagkamali. at marami din akong mga dating kaklase ang nakita ko at naging kaeswela ko pa ngayon.

Section 1-A marami kaming paligsahan na napalalunan isa na dto ang paglaban namin ng nutri jingle, nagchampion kami. at ang di ko malilimutan ang paglaban namin sa ibong adarna na nagkamit kami nang unang pwesto sa patimapalak,bukod doon nag karoon din akong ng pangsariling parangal,nakamit ko ang unang pwesto sa bilang pinakamagaling na gumanap na don juan sa patimpalak. at noong ako`y nasa ikalawang antas ng sekondarya. Nagchampion ulit kami sa pangalawang beses na pagsali sa nutri jingle.Dahil na rin sa puspusang paghahanda sa patimpalak.

Dahil sa computer games, bumaba ang seksyon ko at naging 3-B ako noong 3rd Year. Dahil na rin sa kapabayaan ko sa pag-aaral at habang tumatagal na ako'y naglalaro ng mga computer games, natuto akong lumiban sa klase para makapaglaro lang.Usong uso noon ang DOTA at SF. Doon ko nalaman na ang pagsisisi ay laging nasa huli. Kung pinagbuti ko lang ang aking pag-aaral at sinipag sipag ako sa paggagawa ng proyekto siguro sekyon A parin ako.at nasabi ko sa sarili ko na pipilitin kong magbago dahil kung hindi ako magbabago sigurado ang aking kinabukasan ang masisira at hindi ko maaabot ang aking mga pangarap sa buhay at sa pamilya.

Ako kasama ang mga kaibigan ko
Ngayon ako'y nasa ikaapat na antas ng sekondarya na malapit ng magtapos, masasabi kong ito na ang pinakamasayang parte ng buhay sekondarya dahil marami kaming mga napanalunan na paligsahan tulad na lang ng cheerdance sa mini olympics, atbp. Nagkaroon din kami ng mga outing. Bukod doon   malapit na rin ako magtapos ng pag-aaral at haharapin ang panibagong hamon sa aking buhay.  Sa aking pagtatapos  ng pag-aaral sa sekondarya maiiwan sa aking isipan ang magagandang ala-ala.

Monday, February 21, 2011

Talambuhay ni Loren N. Gilua






Ako nga pala itong nasa larawan
Taong 1995, ika-28 ng Agosto nang ako ay isilang sa Brgy. San Antonio 1 siyudad ng San Pablo, lalawigan ng Laguna .
Apat kaming magkakapatid, pangalawa ako sa panganay at nag-iisang babae. At lingid sa aking kaalaman ay nagkaroon ako ng kapatid na sumakabilang buhay na .
Parehas na nagtatrabaho ang aking mga magulang dahil sa kapos kami nang mga panahon na iyon . Kaya noong maglilimang taong gulang ako at ang kuya ko ay na taon . Pinadala kami nang aking ina sa aking lola sa parting  Bisaya para may mag-alaga sa amin .
Doon kami nag-aral pansamantala. Madami kaming magpipinsan na nakatira sa lola ko. Kaya kahit hindi ko kasama sina tatay at nanay  ay masaya pa rin . Pero minsan hindi ko din maiwasan na hindi sila mawaglit sa aking isip.
Tuwing Linggo ay magkakasama kaming pumupunta sa simbahan . Relihiyosa ang aking lola kaya maghapon kami doon at nagsaSunday school rin kaming magpipinsan.
Kapag naman may pasok ay sabay-sabay din naming nilalakad ang daan papuntang eskwelahan dahil malapit lang naman kaya ganoon n rin kami pag-uuwi. Ngunit hindi pa naman natatapos ang taon ay kinuha na kami na kami nang aming nanay, tuwang-tuwa ako nang mga panahon na iyon sa kadahilanang magkakasama na ulit kami.
Pagbalik namin, hindi sa Laguna kami nanirahan, sa halip ay sa Maynila muna dahil doon nagtatrabaho si nanay . Magkahiwalay sila ni tatay noon dahil si tatay ay nasa Laguna at doon nagtatrabaho.
Ngunit, isang araw nakatanggap kami nang tawag mula kay tatay, pinapapunta kami doon dahil ilang araw na raw na sumasakit ang kaniyang tiyan. Kaagad, ay nagpunta kami doon . Agad siyang pina-checkup sa ospital pagdating namin, dahil doon nalaman na kailangan na pa lang operahan . Puputok na raw kasi ang appendix nito. Agad na pinaoperahan namin siya, kung saan-saan si nanay nangutang pati ari-arian namin ay naubos. Pero dahil sa awa ng Diyos naging maayos ang pag-oopera kay tatay. Ipinasya na ni nanay na sa Laguna na lang kami manirahan, para na din maalagaan namin si tatay.
Palipat-lipat kami ng tirahan dahil trabaho ni tatay na isang “poultry boy” noon.
Tumira kami sa Balagbag at kung saan-saan pa. Sa paaralan ng San Cristobal ako nag Grade 1 doon rin ang kuya ko nag Grade 2, dalawa pa lang kasi kami noon. Sa paaralang din ‘to ako napagbintangan na pumilas nang isang libro na hindi ko naman ginawa.
Tumira rin kamin sa Sto. Nino ako nag Grade 2 hanggang 2nd yr. hayskul. Sa lugar rin na ito ipinanganak ang dalawa kong kapatid. Noong taong-2005 si William ay ipinanganak sumunod siya sa akin. Gustung gusto ko noon na magkaroon ng nakababatang kapatid. Taong 2007 ipinanganak naman si James Nathan . Sa mga panahong iyon na nanganganak si nanay ako ang nasa tabi niya dahil wala noon si tatay, hindi kasi siya pinapayagan nang kanyang amo. Kaya tumatawag na lang siya pagkatapos manganak ni nanay.
Noong una, nahihirapan kami ng kuya ko dahil; hind naman kami sanay na maraming ginagawa. Pero pagkalipas nang ilang buwan ay natutunan rin naming ang mga bagay bagay. Tintulungan namin si nanay sa mga gawain na sobrang hirap kapag siya lang ang kikilos. Iniwasan ko na rin ang pag-uwi nang gabi para makatulong sa kanya .
Noong grumaduate ako nang grade 6 nakatanggap ako ng medalya, tuwang-tuwa ako noon dahil kapag pinag-uusapan ang katalinuhan pangalawa lang ako sa kuya ko . Pero tanggap ko naman na mas marami siyang medal kaysa sa akin.
Walong taon din kaming nanirahan sa Sto. Nino , marami na rin akong nagging kaibigan doon. Marami ring masasayang alaala ang nanyari sa akin doon. Marami ring masasayang alaala ang nangyari sa akin doon. Kaya noong sinabi sa akin ni nanay na lilipat na kami ay napakahirap para sa akin. Syempre sanay na kasi ako sa lugar na iyon. Sanay na ako sa mga tao roon at tunay akong Masaya sa lugar na iyon. Pero hindi ko mapipigilan ang aimng pag-alis. Unang-una hindi aming lupa iyon. Noong araw na aalis na kami napakabigat ng dibdib ko.
Lumipat kami sa Santiago 2, doon nakabilisi Nanay ng lupa. Malapit kasi iyon sa isa kong tiyahin kaya doon naisipan ni nanay bumili.
Pagdating namin doon, sa tiya muna namin kami namalagi pansamantala habang hindi pa tapos ang bahay na pinapagawa naming. Limang taong pinag-ipunan iyon ni Tatay at Nanay.
Agad kaming lumipat, pagkatapos magawa nang aming baba. Napaka layo pala noon sa bayan, kaya madalasakong mahuli sa aking klase kapag may pasok. Mahirap ding makasakay sa jeep o kaya sa tricycle dahil napaka dalang ng nadaan. Hindi pa man kasi maayos ang kalsada noon. Kapag naulan naman ay sobrang putik ng daan. Pabalik-balik pa ang mga sasakyan kaya lalong maputik. Sinanay ko na lang ang sarili ko sa bagong lugar at sa bagong mga tao.
Ngunit may masamang nangyari dahil sa Baayong Santi. Nadaanan noon ng ipu-ipo ang bahay namin na pinaghirapan ni Nanay at Tatay. Kasalukuyan kami noong nasa Calauan buti na lamang ay wala kami roon. Dahil kung nagkataon ay pati siguro sa amin ay may nangyaring ‘di maganda.
Ang pinaghirapan ng mga magulang ko nang limang taon ay nawala ng parang bula. Para kami noong pinagsakluban ng langit at lupa.
Napilitan kaming lumipat sa Calauan kung saan nagtatrabaho ang aking Ama sa isang “farm manage” doon. Unti-unti naming inilipat ang aming mga gamit at sa Calauan nagsimula ng panibagong buhay.
IV-C
mga tropa ko




Ipinagpatuloy ko pa rin ang aking pag-aaral sa paaralan ng Dizon High. Nasa ibang seksyon na ako ngayon sa C. Bumaba ako kasama ang iba kong kaklasi na galing sa B, dahil na rin siguro sa kapabayaan ko. Aminado naman ako napabayaan ko noon ang pag-aaral ko noong nasa antas pa ako ng 3rd year.




si jenny at ako
 

Ngunit ngayon, heto ako pinag-aayos ko nang mabuti ang pag-aaral ko. Gusto ko nna rin kasing makpagtapos ng sekondarya.












ito nga pala ang baestfriend kong si tricia
 





 Marami ring masasayang alaala ang ibinigay sa akin ng paaralang ito. Katulad na lang ng pagkakaroon ko ng mga tunay na kaibigan na naging isa sa mga inspirasyon ko upang magpatuloy. Naging masaya rin para sa akin ang nagdaang JS. 









 
tunay kong mga kaibigan




Marami rin akong natutunan sa mga guro ko na patuloy na nagtuturo sa amin nang kagandahang asal.
Ngayong graduating na ako ng sekondarya, ay patuloy pa rin akong mag-aaral ng mabuti para sa aking kinabukasan.


Sunday, February 20, 2011

Ang Babaeng hindi marunong sumuko (Talambuhay ni Annalyn M. Buenavista)

Ito ako ngayon..hmmn..




"Lahat tayo ay may kanya-kanyang dahilan kung bakit tayo isinilang at nabubuhay dito sa mundo."


1st birthday ko!
     Taong 1993,ika-28 ng Hunyo,isinilang ang isang munting sanggol at pingalanan nila itong "Annalyn". Tuwang-tuwa ang aking mga magulang at pati na rin ang aking mga kapatid. Lima kaming magkakapatid at ako ang bunso. Bata pa lang ako ay tampulan na ako ng tukso ng aking mga pinsan sa kadahilanang ako daw ay naiiba sa aking mga kapatid.




Nung 2 yrs.old ako.




     Tama sila, naiiba nga ako. Sa aming lima ako ang nabubukod-tangi pagdating sa kulay ng balat at sa buhok. Kayumanggi ako, morena kung tawagin at sila naman ay mapuputi,tuwid at bagsak ang kanilang buhok samantalang ako ay kulot.






Graduation ko!






    Gayunpaman, may mga katangian din naman ako na angat kaysa sa kanila katulad na lang na mas maspiag akong mag-aral ako kaysa sa kanila at masipag din naman akong tumulong sa tindahan namin na kalimitang inaayawan nila at marami pang iba. Iba't-iba man kami ng katangian at ugali ay hindi ito naging hadlang upang kami ay magkaunawaan. Hindi naman nagkulang ang aming mga magulang sa pangaral at paggabay sa amin.
Nung lumaban ako ng Little Mr. and Ms. Bagong Bayan DCC.








    Prutas,dito kami binuhay ng aming mga magulang. Mula noon,hanggang ngayon ay ito ang ikinabubuhay namin. Dahil dito, nakapagtapos sa pag-aaral ang aking mga kapatid at ako naman ay malapit na magtapos sa High school. May dalawa na kaming Nurse at isang tapos ng kursong Computer Programming. Maayos naman ang aming pamumuhay noong kami'y mga bata pa subalit nang nagsipaglakihan na, dito na dumating ang sunud-sunod na problema.
    




Ate Mayeth ko,graduation nila sa College.(Nurse)


    Ang aking panganay na kapatid na si Ate Mayeth  ay maagang nakapag-asawa. Nasa ikatlong taon na sya sa Kolehiyo at kumukuha ng kursong Komersiyo(Commerce) ay nabuntis siya nang hindi inaasahan. Noong una. pinilit niyang itago sa amin, subalit nang nagsimulang lumobo o lumaki ang kanyang tiyan ay hindi na niya ito naitago sa amin. Sobra kaming nanghinayang sa kanya dahil isang taon na lang ay magtatapos na siya. Wala kaming nagawa kundi ang tanggapin na lang. Napilitan siyang tumigil sa pag-aaral. Pinanagutan naman siya ng lalaking nakabuntis sa kanya, si Kuya Eric.At sa ngayon ay nasa ibang bansa na siya at doon nagtatrabaho. Makaraan ang halos labintatlong taon ay bumalik si ate Mayeth sa pag-aaral, subalit kursong Nurse naman ang kanyang kinuha at sa awa ng Diyos, nakapagtapos siya nang pag-aaral nitong Abril,2010.


    
Kuya Joseph ko kasama ang pamilya niya. 


    Sumunod naman ay si Kuya Joseph, ang kaisa-isang kapatid namin na lalaki. Si kuya Joseph ay mahilig sa mga larong pampalakasan. Tandang-tanda ko pa noong nasa Elementary at Highschool siya ay laging napapasama sa mga manlalarong lumalaban sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas. Maayos naman ang lahat,ngunit nang siya ay magyapos sa High school,dumating ang problema sa aming buhay. Makaraan ang ilang araw mula ng sila ay magtapos ng kanyang kasintahan, nagtanan sila! Nagalit ang pamilya nina Ate Joyce ns kasintahan ni Kuya. Hinanap nila ang mga ito at nang matagpuan sila, pinagusapan ng maayos kung ano ang sa kanilang gagawin sa dalawa. Sa bandang huli, napagkasunduan na pagsamahin sila sa iisang bubong. Makaraan ang ilang taon, nag-aral ulit si Kuya at nakapagtapos ng kursong Computer Programming. Maayos ta tahimik silang namumuhay ngayon kasama ang kanilang dalawang anak: si Jane at Jashley Clein.


    
Ate Miedez ko.. Nurse Medz??


     At ang pinakahuling dagok na dumating sa buhay namin ay ang nangyari kay Ate Miedez.. Labingsiyam na taon siya noon,kasalukuyang nasa ikatlong taon na sa Kolehiyo at kumukuha ng kurong Nurse at gaya ni Ate Mayeth nabuntis din siya nang hindi sinasadya. Nahirapan siyang ipagtapat sa amin dahil alam niyang magugulat kami. Ngunit nakahanap din siya ng ng magandang pagkakataon upang ipagtapat ito sa amin. Nang gabing sunduin namin si Kuya Joseph sa airport galing Macau, at habang kami'y kumakain sa Chowking noon, nagkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin ito sa amin, tamang-tama, kumpleto kami! Muntik nang himatayin si Mama samantalang tahimik lang si Papa. Kinabukasan, dumating ang partido o pamilya ng lalaking nakabuntis sa kanya at nakipag-usap ng maayos. Pero dahil nga pareho silang nag-aaral pa, hindi muna sila pinagsama. Mula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak ay sinustentuhan naman siya ng kasintahan niya.
      Pagkalipas ng ilang buwan matapos niyang maipanganak ang isang batang babae na pinangalanan niyang "Hennessey" ay bumalik siya sa pag-aaral. Sobrang laki ng nagastos namin, naipagbili na na ni Papa ang kanyang pinakaingat-ingatan niyang dyip upang may pambayad sa Affiliation niya. Nabaon kami sa utang dahil sa nga gastos nito sa school. At noong Abril 2010,natapos niya din ang Kolehiyo, sabay silang nagtapos ni Ate Mayaeth. Sa ngayon, nagre-review silang dalawa para sa pagkuha ng Board exam, sana makapasa silang pareho.
4th year.
      Ako naman,ito nasa ikaapat na taon na sa High school at magtatapos ngayong Abril. Pero dami rin akong naging karanasan bago ako umabot sa ganito. Natatandaan ko pa noong bata pa ako, lagi akong nasusugatan, lampa kasi ako at sa bawat dapa ko, nag-iiwan ng sugat na matagl na maghilom. Sa tuwing nadadapa ako, lagi akong umiiyak at nagsusumbong kay Mama pero kapag binigyan na ako ng kendi ay tatahan na ako. Nang ako ay pitong taong gulang na, kagaya ng ibang bata, pumasok na ako sa paaralan at dito nagsimulang umikot ang mundo ko. Dito nahubog ang iba't-ibang katangian at kakayahan ko. Ako ay nahilig sa pagtatalumpati,pagbigkas ng tula,pag-arte at marami pang iba. Mahilig din akong sumali sa mga paligsahan sa aming paaralan,minsan nagwawagi,minsan natatalo. Pero ang higit na pinagtuunan ko nang pansin ay ang pagtatalumpati at pagbigkas ko ng tula. Nasa ikalimang baitang pa lamang ako sa Elementarya ng una nila akong ilaban sa pagbigkas ng tula,ngunit sa kasamaang-palad ako ay natalo, mila noon lagi na nila akong isinasali sa mga patimpalak  pagdating da bigkasan. 


     Iba't-ibang parangal na rin ang aking natanggap noong nasa Elementarya pa lang ako tulad na lang ng: "Best in Writing" "Best in Class of Section 3" "Girls Scout of the Year" at iba pa.
Nung 3rd yr. ako..




    Kaya naman ng mag-High school na ako ay lalo ko pang pinagbuti ang aking pag-aaral. Pinilit kong mapataas ang aking mga marka at syempre lagi pa rin akong sumasali sa mga patimpalak pagdating sa bigkasan,lalo akong nahasa. Nakamit ko ang ikatlong karangalan sa pagtatalumpati noona ako'y nasa ikatlong taon na ng High school at unana karangalan naman sa Balagtasan ngayong huling taon sa High school.


3rd yr.din,feel ko lang mag-shades..hehe








with my ex.nhieluvz_25^
    






      Masasabi ko na ang pinakamasayang bahagi ng buhay-High school ko ay nang ako'y nasa ikatlo hanggang ikaapat na taon. Dito marami akong nakahalubilo at nakasamang iba't-ibang tao na nagkaroon ng malaking papel sa buhay ko. Isa na dun si Axl R. Mojica. Nagkakilala kami noong tumaas ang aking seksyon at napunta ako sa 3-D. Nakilala ko siya bilang isang tahimik,mahiyain,mabait at maginoong lalaki. Sa halos araw-araw namin na pagsasama, hindi ko namalayang unti-unti na palang nahuhulog ang loob ko sa kanya, at bakit hindi?may dating naman siya, para nga sa akin, sapat na siya eh,wala na akong ibang mahihiking pa. Noong una. biru-biruan lang kami pero dahil sa mga birong iyon, pareho kaming nahulog sa isa't-isa. At nang magtapat siya sa akin ng kanyang pag-ibig ay sinagot ko siya ng matamis kong "oo". Naging masaya kami kahit may mga konting away pero naayos din naman namin kaagad. Tumagal ang aming pagsasama nang mahigit na isang taon, subalit dumating yung oras na kailangan na naming bitawan at palayain ang isa't-isa at para sa akin ay isa yun sa pinakamalaking dagok sa buhay-High school ko at nangyari yun ngayong huling taon na namin sa High school. Pero kailangan naming gawin yun eh kaya pinalaya namun ang isa't-isa masakit at mahirap man para sa amin. Umaasa na lang ako na kung kami talaga.darating yung tamang oras para sa aming dalawa pero sa ngayon ang prayoridad ko muna ay ang makapagtapos ng pag-aaral.




Class picture.3-D


JS Prom,3-D






barkada ko..
       


     Masaya naman ako sa aking mga kaibigan na handang tumulong at magpangiti at sa akin,at syempre ang aking pamilya na walang sawa sa paggabay at pagsuporta sa akin sa lahat ng pagkakataon.
   


       Hinihintay na lang namin ang araw ng aming pagtatapos at sana makapag-aral at makapagtapos din ako sa Kolehiyo upang makatulong ako sa aking pamilya. Yun lang,sana may natutunan kayong aral sa aking buhay. Basta lagi nyong tandaan na habang may buhay,may pag-asa!






with my lalabz..




Siya ngayon ang bagong nagpapangiti at nagpapasaya sa akin.

Saturday, February 19, 2011

Taong Naghahangad ng Tagumpay (Talambuhay ni Miguel Augustus Brinas Montilla)

Miguel Augustus B. Montilla
Ako si Miguel Augustus Brinas Montilla. Ipinanganak ako noong ika-13 ng Mayo taong 1995. Nanay ko si Claudette Ailyn Brinas Montilla at tatay ko naman ay si Midardo Tiozon Montilla. Nakatira kami sa isang lumang bahay na malapit sa San Pablo Doctors Hospital. Ako ang panganay nilang anak.
Ako kasama ang nanay ko
Ang dahilan kung bakit Miguel Augustus ang pangalan ko ay dahil sa dalawang lolo ko : ang lolo ng tatay ko na Miguel Montilla rin ang pangalan at ang tatay ng nanay ko na si Augusto Brinas. Ang ibig sabihin naman ng palayaw kong Mags ay mula sa gulong ng sasakyan. Kaya daw yun ang palayaw ko dahil mahilig daw ako sa sasakyan noong bata pa ako.


Nagkinder ako sa Barangay V-C Daycare Center na matatagpuan sa may Sampaloc Lake. Noong pumasok ako doon, marami akong mga kaibigang nakilala. Ilan sa mga kaklase ko noon ay naging kaklase ko noong nag-Grade 2 ako. Kapag may klase si Mam, lagi akong nalabas kasi mas gusto ko raw kumain kesa makinig sa guro. Lagi akong kasama sa mga aktibidad sa eskwela.



Naging Mr. Nutrition Month ako ng school

Noong nagkaroon ng paligsahan sa sayaw, sumali ako ngunit sa kasamaang palad, hindi ako nanalo. Ayos lang sa akin yun basta sumali ako. Naging Mr. Nutrition Month ako ng eskwelahan. Kahit ako mismo nagtataka kung bakit ako ang napili. Sa sobrang likot ko daw sa parada, napagsabihan ako ni Mommy.

Sa kasamaang palad, hindi ko natapos ang kinder. Buntis ang nanay ko sa kapatid ko. Dahil may sakit ang tatay ko, napilitan akong tumigil. Noong nanganak na si Mommy, nagpunta kami sa Central upang kumuha ng pagsusulit sa Grade 1. Buti na lang at nakapasa ako sa pagsusulit. Nanibago ako sa Central. Hindi na ako pwedeng lumabas ng silid-aralan dahil mapapagalitan ako ng guro ko. Marami akong mga kaklaseng nangaasar at nagnanakaw ngunit may mga kaklase rin naman akong mabait at palakaibigan. Lagi akong nagkakaroon ng mga nakakahiyang pangyayari kada taon. Noong Grade 1 ako, napaihi ako sa shorts habang nagkaklase. Nakakahiya yung pangyayaring iyon Dahil dun, nahihiya na akong pumasok sa school.

Noong Grade 2 ako, naging kaklase ko ang mga kaklase ko noong kinder. Mas dumami ang mga kaklase kung nang-aasar at nang-aaway. Minsan, sinisi ako ng kaklase ko na nagnakaw ng laman ng lunchbox niya. Inaway niya ako ng inaway. Dumating ang nanay ko at nalaman niya na nagsisinungaling lang pala iyon. Nasa bulsa niya ang lamang pera ng lunchbox niya tapos yung pagkain kinain niya.Habang sinusukat ni Mam Manzano ang height namin, nadapa ako at dumugo ang ngipin ko. Dahil sa tindi ng tama, pinagamot ako sa isang dentista. Sabi ng dentista, naapektuhan ang gums ko kaya nagdugo. Pagkatapos ng tatlong buwan, naging maayos ulit ang ngipin ko.

Naging teacher ko nung Grade 3 si Mam Azucena. Isa siyang guro na mabait sa estudyante niya kung mabait ang estudyante niya sa kanya. Matarap siya kapag ang estudyante niya ay masalaw. Isang araw, napagalitan kami ni Mam Azucena dahil maingay kami. Sinabi niya sa amin na lumabas ng pinto at pumunta sa guidance office. Sabi ng guidance teachers sa akin " Ang gwapong bata ! Bakit ka naguidance? ". Takot ako kaya hindi ako umimik. Pagbalik namin sa silid-aralan, tinanong ako ni Mam Azucena " Anong sinabi sa iyo? "."Gwapo raw po ako ! ". Hagikhik na sa tawa ang teacher ko. Kapag iniisip ay kinukwento ko ang pangyayaring yun, natatawa ako.

 Naging interesado ako sa mga halaman noong Grade4. Lagi akong nagtatanim ng halaman sa bahay. Naging interesado ako dahil sa mga discussion ni Mam Hernandez tungkol sa halaman. Nagtatanim ako sa bahay namin ng iba't ibang klase ng halaman.Nagsimula kaming magbaras o ang tinatawag na Physical Fitness Test. Nagbabaras kami sa tapat ng silid aralan namin. Mayroon isang sanga ng puno ng santol na mababa at matibay na pwedeng magbaras. Tatlong beses lang ako nakapagbaras. Hirap na hirap talaga akong magbaras. Sunod naman kaming ginawa ay ang pagtakbo sa oval ng Dizon High. Tanda ko pa noon, 11 minutes ang time ko.

Ang talento ko sa pagkanta ay nabuksan noong nag-Grade 5 ako. Naging interesado akong sumali sa choir ng Central. Para makasali ka, magdodoremi ka lang. Kung maganda ang timbre ng boses mo, pasok ka na sa choir. Dahil sa pagiging choir ko, maraming lugar ang napuntahan ko. Kumanta kami sa plaza.Kinabahan ako dahl kakanta kami sa harap ng buong San Pablo. Upang mawala ang kaba, tinibayan ko ang loob ko. Naging matagumpay naman ang pagpeperform namin. Sinabayan naman ito ng fireworks display. Nagpeperform din kami sa school kapag may okasyon tulad ng Valentines Day, Christmas Day at kapag may patitipon ang mmga matataas na tao sa gymnasium ng Central School.

Ang pagtanggap ko ng diploma
Ang taong 2007 ang taon ng aking pagtatapos. Natapos na rin sa wakas ang anim na ton kong pag-aaral sa Central. Nagsimula ang graduation rights sa dasal ng achiever na si Giselle Gesmundo. Nakaupo kami sa baba habang nakatingin sa amin sa bleachers ang mga magulang namin. Sa pagbibigay ng diploma, pinauna ang mga achievers at iba pang may award.Sumunod naman ang seksyon pamula pamula Fast Learner hanggang 15. Noong ibinigay na sa akin ang diploma, nakalimutan kong makipagkamay sa nagbigay sa akin ng diploma kaya sinabihan ako ng mga administrators na makipagkamay. Natapos ang programa ng may luha sa mata ng mga estudyante dahil magsisipaghigh school na sila.

Isa sa mga una kong choice sa high school ay ang MSC. Sa kasamaang palad, hindi ako napkapasok doon. Pinasok ako ni Mommy sa Dizon High. Nung dumating ako sa Dizon High, una kong nakita ang faculty nina Ser Carag. July 2007 ako nag-enroll. Sabi ni Ser Carag, section B daw ako.Sa hindi sinasadyang pagkakataon, naging teacher ko ang pinsan namin na si Mam Baylon. Sinabi ni Mommy na magiging estudyante niya ako. Malugod naman akong tinanggap ni Mam Baylon. Naging kaklase ko ang ilan sa mga naging kaklase ko noong Grade 6. Sa pagpasok ko sa room ni Ser Baet, ginulat ako ng kaklase kong si Angelica na nagpakilala ng sarili niya sa kanya.
Ako kasama si Rull

Sa apat na taon ko sa Dizon, naging masaya ako. Marami akong naging karanasan dito. May mga masasaya at malulungkot. Pero isa lang ang sigurado, hindi ko ito kakalimutan. Hindi ko makakalimutan ang eskwelahan kung saan ako naghigh school. Muli, ako po si Miguel Augustus Brinas Montilla at ito po ang aking talambuhay.



Friday, February 18, 2011

Ang Talambuhay ni Erica Mae S. Cruzat

           Naalala ko lang..

iyakin daw ako nung bata
          Noon Disyembre 14, 1993 ako ay isinilang lang dito sa mundong ibabaw. Ang pinangalan sa akin   ay Erica Mae S. Cruzat nagbigay sa akin ng pangalan na ito ay ang aking mama. May mga pinagpipilian nga daw siya kung Camille, Zyrell o Erica Mae ang ipangangalan sa akin at napagdesisyonan nang aking lolo’t lola, mga tito’t ,tita na Erica Mae na lang dahil bagay nga daw sa akin. Sabi pa nga ni mama ay kaganda ganda ko dawn g sanggol mana daw ako sa kanya.Ang pangalan na nagluwal sa akin at pinakita ang ganda ng mundo ay walang iba kundi   si Jona S. Cruzat. Siguro ay nagtataka na kayo kung bakit pareho  kami ng apelyido na dinadala ng aking ina. Sa ka dahilang niloko siya ng aking ama na binata daw siya kaso hindi naman pala. Hanggang sa mabuntis ang aking ina at nilayo ng kamag-anak ko ang aking ina upang hindi masundan ng aking ama si mama. Hindinaman ako nagtanim ng sama ng loob sa aking tunay na ama nung nalaman ko agad na ito at pinaliwanag sa akin ng ayos ng aking mama ang situwasyon naming mag-ama. Ang masama lang hindi ako naging malapit sa kanya pero alam kong minahal niya ako lalo na ang aking mama. Siguro nga ayon ang kapalarana  nila na hindi sila para sa isa’t isa.


yan naman yung binyagan ng kapatid ko.
Sa pangalawang pagkakataon ay umibig muli ang aking mama  na hindi ko naman pede tutulan ang kanyang kaligayahan. Nagkaroon ako ng dalawang kapatid na si Edrian at si Elyza Joy naging masaya ako dahil nagkaroon ako na masasabi pamilya ko. Ang turing ko na sa kanila ay isang tunay na kapatid at magiging ate sa kanila. Ngunit bawat kaligayahan ay may kapalit at hindi pa rin siguro sila para sa isa’t isa ng aking mama dahil maaga siya kinuha n gating Diyos. Ganon nga siguro ang mga taong mababait maaga kinukuha ni God.

ang buong pamilya ko.
Sa pangatlong pagsubok ni mama hingil sa kanyang puso ay nakilala niya si Marlon Tiquis. Na hanggang ngayon ay magkakasama pa rin kami at nadagdagan pa kami ng isang angel na si Ekio Mae.Naging  big happy family kami na hindi maiiwasan minsan na pumasok sa problema ang isang pamilya subalit ito ay nalalampasan naming na sama-sama at buo ang pagmamahal sa bawat miyembro ng pamilya. Wala na ko mahihiling pa dahil binigyan ako ng isang buong pamilya at mapagmahal na mga magulang.




nung may sabit ako.
Ako ay pumasok sa San Lucas 2  Elementary School nong ako ay Grade 1 at nakakamit ng 4th sa aming paaralan. Lumipat kami ng bahay sa Bagong Pook kaya naman nagtrans  fer din ako ng paaralan nong ako ay Grade 2  at hindi nagtagal doon din ako gumaraduate ng E lementary. Madalas ako makapasok sa mga honor o top 5 nong Elementary ako dahil masipag talaga ako mag-aral upang mabigyan ko naman si mama ng kagalakan at hindi siya nagkamali sa akin.ang hindi ko nga malilimutan ay nong nagtapos ako ng Elementary dahil nasorpresa ko si mama na kasali ako sa sasabitan bilang 3rd Honorable mention. Umiyak nga sya nong umakyat siya ng stage habang ako ay sinasabitan niya. Labis labis nga niya ako maipagmalaki sa ibang tao minsan nga ako na yun napapahiya maganda na nga daw ako matalino pa. Sobrang  saya ko nga tuwing maalala ko yun  nakuha ko mga achievements nong nasa Elementary pa ako. Sa San Pablo City National High School  naman ako ng first year. I-Sampaguita ang seksyon ko. Ito naman yun napalayo ako sa aking pamilya na kunin ako nang aunti ko sa makati doon ako nong 2nd year high school ako sa Pitogo High School ,II-Sun Flower ang seksyon ko. Siyempre hindi ako makakatiis na hindi bumalik dito sa aking sariling pamilya kaya naman nagtransfer uli ako ditto sa San Pablo sa Col. Lauro D. Dizon National High School,III-C nong ako ay 3rd year at sa ngayon sa kasalukuyan ay IV-C ngayon 4th year. Madami nga nagsasabi sa akin na sinayang ko yon pagkakataon sa Makati dahil sigurado may magandang kinabuksan ang naghihintay sa akin doon .  ngunit para sa akin mahalaga na maksama ko ang pamilya ko at masubaybayan ang paglaki ng aking mga kapatid. Hindi ako nagsisisi sa aking piniling desiyon na ditto sa probinsiya na taposin ang aking  pag-aaral.

ang nobyo ko.
  Mayroon din  isa pang dahilan kaya ako nilayo ni mama dito nong 2nd year high school ako sa kadahilanan
ng sinuway ko ang utos niya na hindi muna ako magnonobyo. Nagkaroon kasi  ng nobyo nong 1st year pa lang ako noon lihim pa lang yun relasyon namin siyempre walang lihim na hindi nabubunyag kaya nalaman din niya. Kaya iyon nilayo ako sa nobyo ko pati ayaw na ayaw niya doon dahil nga siguro nataakot
pa siya para sa akin at bata pa ako.  Subalit anu pa ma’t kahit naglayo kami ay hindi pa rin natapos yun relasyon naming ipinaglaban ko siya kahit alam kong masasaktan ko si mama. Siguro  para sa inyo hindi pa ito yun oras para sa akin ang mga ganitong bagay dahil bata pa ako at hindi pa ito masasabi na true love. Pero lahat ng pagsubok na naranasan naming at nalampasan  na magkasama kami ay napatunayan naming na mahal namin ang isa’t isa. Kung ano-ano lait na lang at hindi magaganda ang kanyang naririnig sa aking pamilya nguni’t hinayaan na lang niya iyon dahil sa pagmamahal  sa akin. Ngayon 3 taon na an gaming relasyon at tanggap na ng pamilya ko ay sobrang saya ko na ang hirap ipaliwanag ang saya na naramdaman ko. Sa tulong din ito ng aking walng sawang pagdadasal sa ating Diyos na matapos na ang problema ko hinggil sa nobyo ko at pamilya. Hindi ko sisirain ang tiwala na binigay sa akin ni mama at itatak ko sa aking isip lahat ng sinasabi niya. Magtatapos muna kaming 2  at tutulongan ang bawat miyembro ng pamilya. Maganda pag by step ang ginagawa natin hakbang sa ating buhay upang maihanda ng ayos ang lahat ng bagay.

Ito na ako  ngayon ..

heheh nasa baguio kami.
si rose ann at ako.
meeww..hahah