Monday, February 21, 2011

Talambuhay ni Loren N. Gilua






Ako nga pala itong nasa larawan
Taong 1995, ika-28 ng Agosto nang ako ay isilang sa Brgy. San Antonio 1 siyudad ng San Pablo, lalawigan ng Laguna .
Apat kaming magkakapatid, pangalawa ako sa panganay at nag-iisang babae. At lingid sa aking kaalaman ay nagkaroon ako ng kapatid na sumakabilang buhay na .
Parehas na nagtatrabaho ang aking mga magulang dahil sa kapos kami nang mga panahon na iyon . Kaya noong maglilimang taong gulang ako at ang kuya ko ay na taon . Pinadala kami nang aking ina sa aking lola sa parting  Bisaya para may mag-alaga sa amin .
Doon kami nag-aral pansamantala. Madami kaming magpipinsan na nakatira sa lola ko. Kaya kahit hindi ko kasama sina tatay at nanay  ay masaya pa rin . Pero minsan hindi ko din maiwasan na hindi sila mawaglit sa aking isip.
Tuwing Linggo ay magkakasama kaming pumupunta sa simbahan . Relihiyosa ang aking lola kaya maghapon kami doon at nagsaSunday school rin kaming magpipinsan.
Kapag naman may pasok ay sabay-sabay din naming nilalakad ang daan papuntang eskwelahan dahil malapit lang naman kaya ganoon n rin kami pag-uuwi. Ngunit hindi pa naman natatapos ang taon ay kinuha na kami na kami nang aming nanay, tuwang-tuwa ako nang mga panahon na iyon sa kadahilanang magkakasama na ulit kami.
Pagbalik namin, hindi sa Laguna kami nanirahan, sa halip ay sa Maynila muna dahil doon nagtatrabaho si nanay . Magkahiwalay sila ni tatay noon dahil si tatay ay nasa Laguna at doon nagtatrabaho.
Ngunit, isang araw nakatanggap kami nang tawag mula kay tatay, pinapapunta kami doon dahil ilang araw na raw na sumasakit ang kaniyang tiyan. Kaagad, ay nagpunta kami doon . Agad siyang pina-checkup sa ospital pagdating namin, dahil doon nalaman na kailangan na pa lang operahan . Puputok na raw kasi ang appendix nito. Agad na pinaoperahan namin siya, kung saan-saan si nanay nangutang pati ari-arian namin ay naubos. Pero dahil sa awa ng Diyos naging maayos ang pag-oopera kay tatay. Ipinasya na ni nanay na sa Laguna na lang kami manirahan, para na din maalagaan namin si tatay.
Palipat-lipat kami ng tirahan dahil trabaho ni tatay na isang “poultry boy” noon.
Tumira kami sa Balagbag at kung saan-saan pa. Sa paaralan ng San Cristobal ako nag Grade 1 doon rin ang kuya ko nag Grade 2, dalawa pa lang kasi kami noon. Sa paaralang din ‘to ako napagbintangan na pumilas nang isang libro na hindi ko naman ginawa.
Tumira rin kamin sa Sto. Nino ako nag Grade 2 hanggang 2nd yr. hayskul. Sa lugar rin na ito ipinanganak ang dalawa kong kapatid. Noong taong-2005 si William ay ipinanganak sumunod siya sa akin. Gustung gusto ko noon na magkaroon ng nakababatang kapatid. Taong 2007 ipinanganak naman si James Nathan . Sa mga panahong iyon na nanganganak si nanay ako ang nasa tabi niya dahil wala noon si tatay, hindi kasi siya pinapayagan nang kanyang amo. Kaya tumatawag na lang siya pagkatapos manganak ni nanay.
Noong una, nahihirapan kami ng kuya ko dahil; hind naman kami sanay na maraming ginagawa. Pero pagkalipas nang ilang buwan ay natutunan rin naming ang mga bagay bagay. Tintulungan namin si nanay sa mga gawain na sobrang hirap kapag siya lang ang kikilos. Iniwasan ko na rin ang pag-uwi nang gabi para makatulong sa kanya .
Noong grumaduate ako nang grade 6 nakatanggap ako ng medalya, tuwang-tuwa ako noon dahil kapag pinag-uusapan ang katalinuhan pangalawa lang ako sa kuya ko . Pero tanggap ko naman na mas marami siyang medal kaysa sa akin.
Walong taon din kaming nanirahan sa Sto. Nino , marami na rin akong nagging kaibigan doon. Marami ring masasayang alaala ang nanyari sa akin doon. Marami ring masasayang alaala ang nangyari sa akin doon. Kaya noong sinabi sa akin ni nanay na lilipat na kami ay napakahirap para sa akin. Syempre sanay na kasi ako sa lugar na iyon. Sanay na ako sa mga tao roon at tunay akong Masaya sa lugar na iyon. Pero hindi ko mapipigilan ang aimng pag-alis. Unang-una hindi aming lupa iyon. Noong araw na aalis na kami napakabigat ng dibdib ko.
Lumipat kami sa Santiago 2, doon nakabilisi Nanay ng lupa. Malapit kasi iyon sa isa kong tiyahin kaya doon naisipan ni nanay bumili.
Pagdating namin doon, sa tiya muna namin kami namalagi pansamantala habang hindi pa tapos ang bahay na pinapagawa naming. Limang taong pinag-ipunan iyon ni Tatay at Nanay.
Agad kaming lumipat, pagkatapos magawa nang aming baba. Napaka layo pala noon sa bayan, kaya madalasakong mahuli sa aking klase kapag may pasok. Mahirap ding makasakay sa jeep o kaya sa tricycle dahil napaka dalang ng nadaan. Hindi pa man kasi maayos ang kalsada noon. Kapag naulan naman ay sobrang putik ng daan. Pabalik-balik pa ang mga sasakyan kaya lalong maputik. Sinanay ko na lang ang sarili ko sa bagong lugar at sa bagong mga tao.
Ngunit may masamang nangyari dahil sa Baayong Santi. Nadaanan noon ng ipu-ipo ang bahay namin na pinaghirapan ni Nanay at Tatay. Kasalukuyan kami noong nasa Calauan buti na lamang ay wala kami roon. Dahil kung nagkataon ay pati siguro sa amin ay may nangyaring ‘di maganda.
Ang pinaghirapan ng mga magulang ko nang limang taon ay nawala ng parang bula. Para kami noong pinagsakluban ng langit at lupa.
Napilitan kaming lumipat sa Calauan kung saan nagtatrabaho ang aking Ama sa isang “farm manage” doon. Unti-unti naming inilipat ang aming mga gamit at sa Calauan nagsimula ng panibagong buhay.
IV-C
mga tropa ko




Ipinagpatuloy ko pa rin ang aking pag-aaral sa paaralan ng Dizon High. Nasa ibang seksyon na ako ngayon sa C. Bumaba ako kasama ang iba kong kaklasi na galing sa B, dahil na rin siguro sa kapabayaan ko. Aminado naman ako napabayaan ko noon ang pag-aaral ko noong nasa antas pa ako ng 3rd year.




si jenny at ako
 

Ngunit ngayon, heto ako pinag-aayos ko nang mabuti ang pag-aaral ko. Gusto ko nna rin kasing makpagtapos ng sekondarya.












ito nga pala ang baestfriend kong si tricia
 





 Marami ring masasayang alaala ang ibinigay sa akin ng paaralang ito. Katulad na lang ng pagkakaroon ko ng mga tunay na kaibigan na naging isa sa mga inspirasyon ko upang magpatuloy. Naging masaya rin para sa akin ang nagdaang JS. 









 
tunay kong mga kaibigan




Marami rin akong natutunan sa mga guro ko na patuloy na nagtuturo sa amin nang kagandahang asal.
Ngayong graduating na ako ng sekondarya, ay patuloy pa rin akong mag-aaral ng mabuti para sa aking kinabukasan.


No comments:

Post a Comment