Sunday, February 20, 2011

Ang Babaeng hindi marunong sumuko (Talambuhay ni Annalyn M. Buenavista)

Ito ako ngayon..hmmn..




"Lahat tayo ay may kanya-kanyang dahilan kung bakit tayo isinilang at nabubuhay dito sa mundo."


1st birthday ko!
     Taong 1993,ika-28 ng Hunyo,isinilang ang isang munting sanggol at pingalanan nila itong "Annalyn". Tuwang-tuwa ang aking mga magulang at pati na rin ang aking mga kapatid. Lima kaming magkakapatid at ako ang bunso. Bata pa lang ako ay tampulan na ako ng tukso ng aking mga pinsan sa kadahilanang ako daw ay naiiba sa aking mga kapatid.




Nung 2 yrs.old ako.




     Tama sila, naiiba nga ako. Sa aming lima ako ang nabubukod-tangi pagdating sa kulay ng balat at sa buhok. Kayumanggi ako, morena kung tawagin at sila naman ay mapuputi,tuwid at bagsak ang kanilang buhok samantalang ako ay kulot.






Graduation ko!






    Gayunpaman, may mga katangian din naman ako na angat kaysa sa kanila katulad na lang na mas maspiag akong mag-aral ako kaysa sa kanila at masipag din naman akong tumulong sa tindahan namin na kalimitang inaayawan nila at marami pang iba. Iba't-iba man kami ng katangian at ugali ay hindi ito naging hadlang upang kami ay magkaunawaan. Hindi naman nagkulang ang aming mga magulang sa pangaral at paggabay sa amin.
Nung lumaban ako ng Little Mr. and Ms. Bagong Bayan DCC.








    Prutas,dito kami binuhay ng aming mga magulang. Mula noon,hanggang ngayon ay ito ang ikinabubuhay namin. Dahil dito, nakapagtapos sa pag-aaral ang aking mga kapatid at ako naman ay malapit na magtapos sa High school. May dalawa na kaming Nurse at isang tapos ng kursong Computer Programming. Maayos naman ang aming pamumuhay noong kami'y mga bata pa subalit nang nagsipaglakihan na, dito na dumating ang sunud-sunod na problema.
    




Ate Mayeth ko,graduation nila sa College.(Nurse)


    Ang aking panganay na kapatid na si Ate Mayeth  ay maagang nakapag-asawa. Nasa ikatlong taon na sya sa Kolehiyo at kumukuha ng kursong Komersiyo(Commerce) ay nabuntis siya nang hindi inaasahan. Noong una. pinilit niyang itago sa amin, subalit nang nagsimulang lumobo o lumaki ang kanyang tiyan ay hindi na niya ito naitago sa amin. Sobra kaming nanghinayang sa kanya dahil isang taon na lang ay magtatapos na siya. Wala kaming nagawa kundi ang tanggapin na lang. Napilitan siyang tumigil sa pag-aaral. Pinanagutan naman siya ng lalaking nakabuntis sa kanya, si Kuya Eric.At sa ngayon ay nasa ibang bansa na siya at doon nagtatrabaho. Makaraan ang halos labintatlong taon ay bumalik si ate Mayeth sa pag-aaral, subalit kursong Nurse naman ang kanyang kinuha at sa awa ng Diyos, nakapagtapos siya nang pag-aaral nitong Abril,2010.


    
Kuya Joseph ko kasama ang pamilya niya. 


    Sumunod naman ay si Kuya Joseph, ang kaisa-isang kapatid namin na lalaki. Si kuya Joseph ay mahilig sa mga larong pampalakasan. Tandang-tanda ko pa noong nasa Elementary at Highschool siya ay laging napapasama sa mga manlalarong lumalaban sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas. Maayos naman ang lahat,ngunit nang siya ay magyapos sa High school,dumating ang problema sa aming buhay. Makaraan ang ilang araw mula ng sila ay magtapos ng kanyang kasintahan, nagtanan sila! Nagalit ang pamilya nina Ate Joyce ns kasintahan ni Kuya. Hinanap nila ang mga ito at nang matagpuan sila, pinagusapan ng maayos kung ano ang sa kanilang gagawin sa dalawa. Sa bandang huli, napagkasunduan na pagsamahin sila sa iisang bubong. Makaraan ang ilang taon, nag-aral ulit si Kuya at nakapagtapos ng kursong Computer Programming. Maayos ta tahimik silang namumuhay ngayon kasama ang kanilang dalawang anak: si Jane at Jashley Clein.


    
Ate Miedez ko.. Nurse Medz??


     At ang pinakahuling dagok na dumating sa buhay namin ay ang nangyari kay Ate Miedez.. Labingsiyam na taon siya noon,kasalukuyang nasa ikatlong taon na sa Kolehiyo at kumukuha ng kurong Nurse at gaya ni Ate Mayeth nabuntis din siya nang hindi sinasadya. Nahirapan siyang ipagtapat sa amin dahil alam niyang magugulat kami. Ngunit nakahanap din siya ng ng magandang pagkakataon upang ipagtapat ito sa amin. Nang gabing sunduin namin si Kuya Joseph sa airport galing Macau, at habang kami'y kumakain sa Chowking noon, nagkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin ito sa amin, tamang-tama, kumpleto kami! Muntik nang himatayin si Mama samantalang tahimik lang si Papa. Kinabukasan, dumating ang partido o pamilya ng lalaking nakabuntis sa kanya at nakipag-usap ng maayos. Pero dahil nga pareho silang nag-aaral pa, hindi muna sila pinagsama. Mula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak ay sinustentuhan naman siya ng kasintahan niya.
      Pagkalipas ng ilang buwan matapos niyang maipanganak ang isang batang babae na pinangalanan niyang "Hennessey" ay bumalik siya sa pag-aaral. Sobrang laki ng nagastos namin, naipagbili na na ni Papa ang kanyang pinakaingat-ingatan niyang dyip upang may pambayad sa Affiliation niya. Nabaon kami sa utang dahil sa nga gastos nito sa school. At noong Abril 2010,natapos niya din ang Kolehiyo, sabay silang nagtapos ni Ate Mayaeth. Sa ngayon, nagre-review silang dalawa para sa pagkuha ng Board exam, sana makapasa silang pareho.
4th year.
      Ako naman,ito nasa ikaapat na taon na sa High school at magtatapos ngayong Abril. Pero dami rin akong naging karanasan bago ako umabot sa ganito. Natatandaan ko pa noong bata pa ako, lagi akong nasusugatan, lampa kasi ako at sa bawat dapa ko, nag-iiwan ng sugat na matagl na maghilom. Sa tuwing nadadapa ako, lagi akong umiiyak at nagsusumbong kay Mama pero kapag binigyan na ako ng kendi ay tatahan na ako. Nang ako ay pitong taong gulang na, kagaya ng ibang bata, pumasok na ako sa paaralan at dito nagsimulang umikot ang mundo ko. Dito nahubog ang iba't-ibang katangian at kakayahan ko. Ako ay nahilig sa pagtatalumpati,pagbigkas ng tula,pag-arte at marami pang iba. Mahilig din akong sumali sa mga paligsahan sa aming paaralan,minsan nagwawagi,minsan natatalo. Pero ang higit na pinagtuunan ko nang pansin ay ang pagtatalumpati at pagbigkas ko ng tula. Nasa ikalimang baitang pa lamang ako sa Elementarya ng una nila akong ilaban sa pagbigkas ng tula,ngunit sa kasamaang-palad ako ay natalo, mila noon lagi na nila akong isinasali sa mga patimpalak  pagdating da bigkasan. 


     Iba't-ibang parangal na rin ang aking natanggap noong nasa Elementarya pa lang ako tulad na lang ng: "Best in Writing" "Best in Class of Section 3" "Girls Scout of the Year" at iba pa.
Nung 3rd yr. ako..




    Kaya naman ng mag-High school na ako ay lalo ko pang pinagbuti ang aking pag-aaral. Pinilit kong mapataas ang aking mga marka at syempre lagi pa rin akong sumasali sa mga patimpalak pagdating sa bigkasan,lalo akong nahasa. Nakamit ko ang ikatlong karangalan sa pagtatalumpati noona ako'y nasa ikatlong taon na ng High school at unana karangalan naman sa Balagtasan ngayong huling taon sa High school.


3rd yr.din,feel ko lang mag-shades..hehe








with my ex.nhieluvz_25^
    






      Masasabi ko na ang pinakamasayang bahagi ng buhay-High school ko ay nang ako'y nasa ikatlo hanggang ikaapat na taon. Dito marami akong nakahalubilo at nakasamang iba't-ibang tao na nagkaroon ng malaking papel sa buhay ko. Isa na dun si Axl R. Mojica. Nagkakilala kami noong tumaas ang aking seksyon at napunta ako sa 3-D. Nakilala ko siya bilang isang tahimik,mahiyain,mabait at maginoong lalaki. Sa halos araw-araw namin na pagsasama, hindi ko namalayang unti-unti na palang nahuhulog ang loob ko sa kanya, at bakit hindi?may dating naman siya, para nga sa akin, sapat na siya eh,wala na akong ibang mahihiking pa. Noong una. biru-biruan lang kami pero dahil sa mga birong iyon, pareho kaming nahulog sa isa't-isa. At nang magtapat siya sa akin ng kanyang pag-ibig ay sinagot ko siya ng matamis kong "oo". Naging masaya kami kahit may mga konting away pero naayos din naman namin kaagad. Tumagal ang aming pagsasama nang mahigit na isang taon, subalit dumating yung oras na kailangan na naming bitawan at palayain ang isa't-isa at para sa akin ay isa yun sa pinakamalaking dagok sa buhay-High school ko at nangyari yun ngayong huling taon na namin sa High school. Pero kailangan naming gawin yun eh kaya pinalaya namun ang isa't-isa masakit at mahirap man para sa amin. Umaasa na lang ako na kung kami talaga.darating yung tamang oras para sa aming dalawa pero sa ngayon ang prayoridad ko muna ay ang makapagtapos ng pag-aaral.




Class picture.3-D


JS Prom,3-D






barkada ko..
       


     Masaya naman ako sa aking mga kaibigan na handang tumulong at magpangiti at sa akin,at syempre ang aking pamilya na walang sawa sa paggabay at pagsuporta sa akin sa lahat ng pagkakataon.
   


       Hinihintay na lang namin ang araw ng aming pagtatapos at sana makapag-aral at makapagtapos din ako sa Kolehiyo upang makatulong ako sa aking pamilya. Yun lang,sana may natutunan kayong aral sa aking buhay. Basta lagi nyong tandaan na habang may buhay,may pag-asa!






with my lalabz..




Siya ngayon ang bagong nagpapangiti at nagpapasaya sa akin.

No comments:

Post a Comment