Naalala ko lang..
 |
iyakin daw ako nung bata |
Noon Disyembre 14, 1993 ako ay isinilang lang dito sa mundong ibabaw. Ang pinangalan sa akin ay Erica Mae S. Cruzat nagbigay sa akin ng pangalan na ito ay ang aking mama. May mga pinagpipilian nga daw siya kung Camille, Zyrell o Erica Mae ang ipangangalan sa akin at napagdesisyonan nang aking lolo’t lola, mga tito’t ,tita na Erica Mae na lang dahil bagay nga daw sa akin. Sabi pa nga ni mama ay kaganda ganda ko dawn g sanggol mana daw ako sa kanya.Ang pangalan na nagluwal sa akin at pinakita ang ganda ng mundo ay walang iba kundi si Jona S. Cruzat. Siguro ay nagtataka na kayo kung bakit pareho kami ng apelyido na dinadala ng aking ina. Sa ka dahilang niloko siya ng aking ama na binata daw siya kaso hindi naman pala. Hanggang sa mabuntis ang aking ina at nilayo ng kamag-anak ko ang aking ina upang hindi masundan ng aking ama si mama. Hindinaman ako nagtanim ng sama ng loob sa aking tunay na ama nung nalaman ko agad na ito at pinaliwanag sa akin ng ayos ng aking mama ang situwasyon naming mag-ama. Ang masama lang hindi ako naging malapit sa kanya pero alam kong minahal niya ako lalo na ang aking mama. Siguro nga ayon ang kapalarana nila na hindi sila para sa isa’t isa.
 |
yan naman yung binyagan ng kapatid ko. |
Sa pangalawang pagkakataon ay umibig muli ang aking mama na hindi ko naman pede tutulan ang kanyang kaligayahan. Nagkaroon ako ng dalawang kapatid na si Edrian at si Elyza Joy naging masaya ako dahil nagkaroon ako na masasabi pamilya ko. Ang turing ko na sa kanila ay isang tunay na kapatid at magiging ate sa kanila. Ngunit bawat kaligayahan ay may kapalit at hindi pa rin siguro sila para sa isa’t isa ng aking mama dahil maaga siya kinuha n gating Diyos. Ganon nga siguro ang mga taong mababait maaga kinukuha ni God.
 |
ang buong pamilya ko. |
Sa pangatlong pagsubok ni mama hingil sa kanyang puso ay nakilala niya si Marlon Tiquis. Na hanggang ngayon ay magkakasama pa rin kami at nadagdagan pa kami ng isang angel na si Ekio Mae.Naging big happy family kami na hindi maiiwasan minsan na pumasok sa problema ang isang pamilya subalit ito ay nalalampasan naming na sama-sama at buo ang pagmamahal sa bawat miyembro ng pamilya. Wala na ko mahihiling pa dahil binigyan ako ng isang buong pamilya at mapagmahal na mga magulang.
 |
nung may sabit ako. |
Ako ay pumasok sa San Lucas 2 Elementary School nong ako ay Grade 1 at nakakamit ng 4
th sa aming paaralan. Lumipat kami ng bahay sa Bagong Pook kaya naman nagtrans fer din ako ng paaralan nong ako ay Grade 2 at hindi nagtagal doon din ako gumaraduate ng E lementary. Madalas ako makapasok sa mga honor o top 5 nong Elementary ako dahil masipag talaga ako mag-aral upang mabigyan ko naman si mama ng kagalakan at hindi siya nagkamali sa akin.ang hindi ko nga malilimutan ay nong nagtapos ako ng Elementary dahil nasorpresa ko si mama na kasali ako sa sasabitan bilang 3
rd Honorable mention. Umiyak nga sya nong umakyat siya ng stage habang ako ay sinasabitan niya. Labis labis nga niya ako maipagmalaki sa ibang tao minsan nga ako na yun napapahiya maganda na nga daw ako matalino pa. Sobrang saya ko nga tuwing maalala ko yun nakuha ko mga achievements nong nasa Elementary pa ako. Sa San Pablo City National High School naman ako ng first year. I-Sampaguita ang seksyon ko. Ito naman yun napalayo ako sa aking pamilya na kunin ako nang aunti ko sa
makati doon ako nong 2
nd year high school ako sa
Pitogo High School ,II-Sun Flower ang seksyon ko. Siyempre hindi ako makakatiis na hindi bumalik dito sa aking sariling pamilya kaya naman nagtransfer uli ako ditto sa San Pablo sa Col. Lauro D. Dizon National High School,III-C nong ako ay 3
rd year at sa ngayon sa kasalukuyan ay IV-C ngayon 4
th year. Madami nga nagsasabi sa akin na sinayang ko yon pagkakataon sa
Makati dahil sigurado may magandang kinabuksan ang naghihintay sa akin doon . ngunit para sa akin mahalaga na maksama ko ang pamilya ko at masubaybayan ang paglaki ng aking mga kapatid. Hindi ako nagsisisi sa aking piniling desiyon na ditto sa probinsiya na taposin ang aking pag-aaral.
 |
ang nobyo ko. |
Mayroon din isa pang dahilan kaya ako nilayo ni mama dito nong 2
nd year high school ako sa kadahilanan
ng sinuway ko ang utos niya na hindi muna ako magnonobyo. Nagkaroon kasi ng nobyo nong 1
st year pa lang ako noon lihim pa lang yun relasyon namin siyempre walang lihim na hindi nabubunyag kaya nalaman din niya. Kaya iyon nilayo ako sa nobyo ko pati ayaw na ayaw niya doon dahil nga siguro nataakot
pa siya para sa akin at bata pa ako. Subalit anu pa ma’t kahit naglayo kami ay hindi pa rin natapos yun relasyon naming ipinaglaban ko siya kahit alam kong masasaktan ko si mama. Siguro para sa inyo hindi pa ito yun oras para sa akin ang mga ganitong bagay dahil bata pa ako at hindi pa ito masasabi na true love. Pero lahat ng pagsubok na naranasan naming at nalampasan na magkasama kami ay napatunayan naming na mahal namin ang isa’t isa. Kung ano-ano lait na lang at hindi magaganda ang kanyang naririnig sa aking pamilya nguni’t hinayaan na lang niya iyon dahil sa pagmamahal sa akin. Ngayon 3 taon na an gaming relasyon at tanggap na ng pamilya ko ay sobrang saya ko na ang hirap ipaliwanag ang saya na naramdaman ko. Sa tulong din ito ng aking walng sawang pagdadasal sa ating Diyos na matapos na ang problema ko hinggil sa nobyo ko at pamilya. Hindi ko sisirain ang tiwala na binigay sa akin ni mama at itatak ko sa aking isip lahat ng sinasabi niya. Magtatapos muna kaming 2 at tutulongan ang bawat miyembro ng pamilya. Maganda pag by step ang ginagawa natin hakbang sa ating buhay upang maihanda ng ayos ang lahat ng bagay.
Ito na ako ngayon ..
 |
heheh nasa baguio kami. |
 |
si rose ann at ako. |
 |
meeww..hahah |
No comments:
Post a Comment