Saturday, February 19, 2011

Taong Naghahangad ng Tagumpay (Talambuhay ni Miguel Augustus Brinas Montilla)

Miguel Augustus B. Montilla
Ako si Miguel Augustus Brinas Montilla. Ipinanganak ako noong ika-13 ng Mayo taong 1995. Nanay ko si Claudette Ailyn Brinas Montilla at tatay ko naman ay si Midardo Tiozon Montilla. Nakatira kami sa isang lumang bahay na malapit sa San Pablo Doctors Hospital. Ako ang panganay nilang anak.
Ako kasama ang nanay ko
Ang dahilan kung bakit Miguel Augustus ang pangalan ko ay dahil sa dalawang lolo ko : ang lolo ng tatay ko na Miguel Montilla rin ang pangalan at ang tatay ng nanay ko na si Augusto Brinas. Ang ibig sabihin naman ng palayaw kong Mags ay mula sa gulong ng sasakyan. Kaya daw yun ang palayaw ko dahil mahilig daw ako sa sasakyan noong bata pa ako.


Nagkinder ako sa Barangay V-C Daycare Center na matatagpuan sa may Sampaloc Lake. Noong pumasok ako doon, marami akong mga kaibigang nakilala. Ilan sa mga kaklase ko noon ay naging kaklase ko noong nag-Grade 2 ako. Kapag may klase si Mam, lagi akong nalabas kasi mas gusto ko raw kumain kesa makinig sa guro. Lagi akong kasama sa mga aktibidad sa eskwela.



Naging Mr. Nutrition Month ako ng school

Noong nagkaroon ng paligsahan sa sayaw, sumali ako ngunit sa kasamaang palad, hindi ako nanalo. Ayos lang sa akin yun basta sumali ako. Naging Mr. Nutrition Month ako ng eskwelahan. Kahit ako mismo nagtataka kung bakit ako ang napili. Sa sobrang likot ko daw sa parada, napagsabihan ako ni Mommy.

Sa kasamaang palad, hindi ko natapos ang kinder. Buntis ang nanay ko sa kapatid ko. Dahil may sakit ang tatay ko, napilitan akong tumigil. Noong nanganak na si Mommy, nagpunta kami sa Central upang kumuha ng pagsusulit sa Grade 1. Buti na lang at nakapasa ako sa pagsusulit. Nanibago ako sa Central. Hindi na ako pwedeng lumabas ng silid-aralan dahil mapapagalitan ako ng guro ko. Marami akong mga kaklaseng nangaasar at nagnanakaw ngunit may mga kaklase rin naman akong mabait at palakaibigan. Lagi akong nagkakaroon ng mga nakakahiyang pangyayari kada taon. Noong Grade 1 ako, napaihi ako sa shorts habang nagkaklase. Nakakahiya yung pangyayaring iyon Dahil dun, nahihiya na akong pumasok sa school.

Noong Grade 2 ako, naging kaklase ko ang mga kaklase ko noong kinder. Mas dumami ang mga kaklase kung nang-aasar at nang-aaway. Minsan, sinisi ako ng kaklase ko na nagnakaw ng laman ng lunchbox niya. Inaway niya ako ng inaway. Dumating ang nanay ko at nalaman niya na nagsisinungaling lang pala iyon. Nasa bulsa niya ang lamang pera ng lunchbox niya tapos yung pagkain kinain niya.Habang sinusukat ni Mam Manzano ang height namin, nadapa ako at dumugo ang ngipin ko. Dahil sa tindi ng tama, pinagamot ako sa isang dentista. Sabi ng dentista, naapektuhan ang gums ko kaya nagdugo. Pagkatapos ng tatlong buwan, naging maayos ulit ang ngipin ko.

Naging teacher ko nung Grade 3 si Mam Azucena. Isa siyang guro na mabait sa estudyante niya kung mabait ang estudyante niya sa kanya. Matarap siya kapag ang estudyante niya ay masalaw. Isang araw, napagalitan kami ni Mam Azucena dahil maingay kami. Sinabi niya sa amin na lumabas ng pinto at pumunta sa guidance office. Sabi ng guidance teachers sa akin " Ang gwapong bata ! Bakit ka naguidance? ". Takot ako kaya hindi ako umimik. Pagbalik namin sa silid-aralan, tinanong ako ni Mam Azucena " Anong sinabi sa iyo? "."Gwapo raw po ako ! ". Hagikhik na sa tawa ang teacher ko. Kapag iniisip ay kinukwento ko ang pangyayaring yun, natatawa ako.

 Naging interesado ako sa mga halaman noong Grade4. Lagi akong nagtatanim ng halaman sa bahay. Naging interesado ako dahil sa mga discussion ni Mam Hernandez tungkol sa halaman. Nagtatanim ako sa bahay namin ng iba't ibang klase ng halaman.Nagsimula kaming magbaras o ang tinatawag na Physical Fitness Test. Nagbabaras kami sa tapat ng silid aralan namin. Mayroon isang sanga ng puno ng santol na mababa at matibay na pwedeng magbaras. Tatlong beses lang ako nakapagbaras. Hirap na hirap talaga akong magbaras. Sunod naman kaming ginawa ay ang pagtakbo sa oval ng Dizon High. Tanda ko pa noon, 11 minutes ang time ko.

Ang talento ko sa pagkanta ay nabuksan noong nag-Grade 5 ako. Naging interesado akong sumali sa choir ng Central. Para makasali ka, magdodoremi ka lang. Kung maganda ang timbre ng boses mo, pasok ka na sa choir. Dahil sa pagiging choir ko, maraming lugar ang napuntahan ko. Kumanta kami sa plaza.Kinabahan ako dahl kakanta kami sa harap ng buong San Pablo. Upang mawala ang kaba, tinibayan ko ang loob ko. Naging matagumpay naman ang pagpeperform namin. Sinabayan naman ito ng fireworks display. Nagpeperform din kami sa school kapag may okasyon tulad ng Valentines Day, Christmas Day at kapag may patitipon ang mmga matataas na tao sa gymnasium ng Central School.

Ang pagtanggap ko ng diploma
Ang taong 2007 ang taon ng aking pagtatapos. Natapos na rin sa wakas ang anim na ton kong pag-aaral sa Central. Nagsimula ang graduation rights sa dasal ng achiever na si Giselle Gesmundo. Nakaupo kami sa baba habang nakatingin sa amin sa bleachers ang mga magulang namin. Sa pagbibigay ng diploma, pinauna ang mga achievers at iba pang may award.Sumunod naman ang seksyon pamula pamula Fast Learner hanggang 15. Noong ibinigay na sa akin ang diploma, nakalimutan kong makipagkamay sa nagbigay sa akin ng diploma kaya sinabihan ako ng mga administrators na makipagkamay. Natapos ang programa ng may luha sa mata ng mga estudyante dahil magsisipaghigh school na sila.

Isa sa mga una kong choice sa high school ay ang MSC. Sa kasamaang palad, hindi ako napkapasok doon. Pinasok ako ni Mommy sa Dizon High. Nung dumating ako sa Dizon High, una kong nakita ang faculty nina Ser Carag. July 2007 ako nag-enroll. Sabi ni Ser Carag, section B daw ako.Sa hindi sinasadyang pagkakataon, naging teacher ko ang pinsan namin na si Mam Baylon. Sinabi ni Mommy na magiging estudyante niya ako. Malugod naman akong tinanggap ni Mam Baylon. Naging kaklase ko ang ilan sa mga naging kaklase ko noong Grade 6. Sa pagpasok ko sa room ni Ser Baet, ginulat ako ng kaklase kong si Angelica na nagpakilala ng sarili niya sa kanya.
Ako kasama si Rull

Sa apat na taon ko sa Dizon, naging masaya ako. Marami akong naging karanasan dito. May mga masasaya at malulungkot. Pero isa lang ang sigurado, hindi ko ito kakalimutan. Hindi ko makakalimutan ang eskwelahan kung saan ako naghigh school. Muli, ako po si Miguel Augustus Brinas Montilla at ito po ang aking talambuhay.



No comments:

Post a Comment